sassy girl!
   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



 
Friday, July 15, 2005
3:19 am

it's 3:19 in the morning and i'm still wide awake. 'just read an email from a very dear friend. and the things we have spoken of just make me sad. it's hard when you realize that you can not go back to the past and what you have now is so little time.

nakakalungkot isiping ang daming panahon ang nasayang at dumaan ni hindi mo man nakasama ang mga taong importante sayo. pwede pa naman kung tutuusin pero kulang na talaga ang oras, gahol na sa panahon. nakakalungkot isipin na pwede kang magbago sa isang iglap at di ka na makikilala tulad ng dati. bunsod na rin ng mga taong nasa paligid mo. nakakalungkot isipin na ang tanging pwede mong hawakan ay mga alaala ng nakaraan. pero di mo na pwedeng ulitin. nakakalungkot isipin na may mga bagay kang unti unti mong pinagsisisihan. may mga bagay kang sana ginawa mo. o di ginawa. nakakalungkot isipin na wala ka lang sa taong pinahahalagahan mo ng todo. ang nilalagay mo sa pedestal, huli ka pa palang maiisip. nakakalungkot isipin na may mga taong parang dumaan lang sa buhay mo at parte na lang sila ng kahapon mo. nakakalungkot isiping mas masaya ka noon kesa ngayon. na ang langit mo wala sa harap mo pero nasa likod mo na at di na pwedeng balikan, hanggang lingon ka na lang.

feels like crap, this depress mode...friggin shite. 




Posted at 04:39 am by le Taureau
Make a comment  

 
Tuesday, May 10, 2005
mitch albom

lost love is still love...it takes a different form, that's all.  you can't see their smile or bring them food or tousle their hair or move them around a dance floor.  but when those senses weaken, another heightens. memory. memory becomes your partner. you nurture it. you hold it. you dance with it...life has to end..love doesn't.

                                                                                               


Posted at 03:13 am by le Taureau
Make a comment  

 
Tuesday, May 03, 2005
awww...sad!

Gising, friend.

Tumatanda ka na, friend. 

Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.

Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet mo. May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.

Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.

Wala na ang mga kaibigan mo noon.

Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala. 

Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.

Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo. 

Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ng Midnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.

Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.

Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.

Saan ka ba papunta? 

friend, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito  para maging isa lang sa mga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo.

Balikan mo sila.

Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.  


Posted at 05:44 pm by le Taureau
Make a comment  

 
Monday, April 25, 2005
bully me

i thought i was bad in english...then i read yours...can't be any happier...you sound pathetic...hahahah! honey, "prank" is not the english for prangka! are you some kind of a prankster?! or did you just confuse the letter "f" with the letter "p"?! ...are you the type who cant fronounce their "fi" froferly?! oh, flease?!!!!

shucks, i'm such an MG -- mean girl....hahaha!!!


Posted at 02:03 pm by le Taureau
Make a comment